HINDI maiwasan ni Malia na kabahan. Umuukilkil pa rin kasi sa kaniya ang dating asal ng mommy ni Andrew na minsang ikinasama ng loob niya. Ang pagtataray noon ng ginang ay nag-iwan ng takot sa kaniyang puso. Pero dahil sa positibong pinakita ni Andrew, naibsan ang agam-agam niya. Pagpasok nila ng bahay ay sinalubong sila ng mommy ni Andrew na nakaupo sa wheelchair habang tulak ng caregiver nito. Nahalinhan ng galak ang kaba niya nang masilayan ang matamis na ngiti ng ginang. “Welcome home, Malia!” bati ni Luisa. “Salamat po, Tita! Magandang gabi!” aniya saka lumapit sa ginang. Humalik siya sa pisngi nito. “Nice to see you again. Ibang-iba ka na ngayon. Lalo kang gumanda,” puri nito. Napangiti siya nang ubos tamis dahil sa tuwa. “Thank you po.” “Anyway, the dinner is ready. We will ta