LAST day of taping, Andrew settled his last appointment with the production staff. Nagpaalam na siya na magbabakasyon kaya susulitin nila lahat ng dapat gawin upang mabuo ang movie. Natapos na rin ang exclusive interview nila ni Rhean para sa promotion na rin ng movie. Naunang natapos ang scene ni Malia sa movie kaya nakapagpahinga na ito. Kaso may aasikasuhin pa raw ito sa AAC para sa teleserye na sinusulat ng mga ito. Tiniyak naman ng dalaga na matutuloy sila sa Palawan. May tiwala siya sa kakayahan ni Malia pagdating sa time management. Kaya nitong tapusin ang trabaho kahit nasa ilalim ng pressure. Alas onse na ng gabi natapos ang final shooting nila sa isang hotel. Dumalaw pa siya sa construction ng mas malaking pabrika niya dahil magsisimula na iyon sa linggong iyon. May engineer at