DALAWANG beses ang magiging appearance ni Malia sa movie. Sa susunod na araw ulit ang taping ng ikalawang eksena niya. “Bakit ayaw mong mag-artista, Malia? You’re good at acting,” sabi ni Shella, production manager ng movie. Nasa loob sila ng van at naghihintay ng driver. Paalis pa lang sila ng university matapos ang maghapong taping. “Gusto kong mag-focus sa writing. At baka hindi na kayanin ng oras ko kapag isiningit ko pa ang acting,” aniya. Binabasa niya ang script kung saan siya may eksena. “Sayang. Napakalaki ng potential mo. You will be a great actress in this generation. I’m sure about that.” She chuckled. “Thanks for the appreciation, but I can’t do this as my extra job. I love acting, but not my priority.” “You know, Direct Gabby was right. We should convince you to embrac