“MALIA! Wait!” Huminto sa paghakbang si Malia nang tawagin siya ni Andrew. Nang linungin niya ito ay palapit na ito sa gate. She could see the sadness on Andrew’s face, and she couldn’t ignore it anymore. “Can we talk?” untag nito nang tuluyang makalapit. Luminga siya sa paligid. May mga tao pang pagala-gala. May suot namang sunglasses si Andrew at inalis lang nang makalapit sa kaniya. Hindi niya ito matiis. Binuksan niya ang maliit na gate at pinapasok ang binata. “We can talk for a minute. It’s late,” aniya. Iginiya niya sa garden ang binata, sa may open cottage na gawa sa bato. “Sorry kung naabala kita. I just need to talk to someone who could understand me a lot,” anito nang makaupo sa katapat niyang bench. “Tungkol ba ito sa parents mo?” untag niya. “Yes, and everything about