NAPAHILOT sa kaniyang batok si Andrew nang makita si Tyron na pinakialaman ang laptop ni Malia. Tumitingin ito ng mga naka-save na pictures ng dalaga. Ayaw tuloy bumitiw sa kaniya ni Malia. Nagyayaya na itong pumasok sa kuwarto at natatakot hawakan ang laptop. Siya na lamang ang nag-off ng laptop nito at sinamahan ito sa inuukupa nitong kuwarto. Ayaw nitong uminom ng wine kaya solo siyang uminom. Nanatili siya sa kuwarto ng dalaga at nakinig sa kuwento nito. “Maniwala ka, nakita rin ni Jerom ang multong lalaki,” sabi nito. Nakahiga na ito sa kama. Prenteng nakaupo naman siya sa couch katabi ng kama nito. “At ano naman ang nangyari kay Jerom nang makita ang multo?” usisa niya. “Natakot siya. Then, biglang nawala siya sa linya, nawalan din ng wifi connection,” kuwento nito. “Pinaglaruan