Chapter 79

2567 Words

NAIWAN sa dalampasigan sina Andrew at Malia. Hinintay nilang lumubog ang araw habang nakahiga sa buhangin. Nauna nang bumalik sa villa ang mommy nito at si Marga dahil giniginaw na ang ginang. Nasulit nila ang beach nang konti na lang ang mga tao. Wala nang makukulit na fans na umabala sa kanila. Nakikiliti ang paa niya dahil sa maliliit na along dumadampi rito. “Hindi pa ba tayo babalik sa villa?” tanong niya kay Andrew. Nakapikit ito habang nakaunan ang ulo sa mga braso nito. “Mamaya na. Hintayin nating dumilim,” anito. “Konti na lang ang mga tao na naliligo.” “Don’t worry, this place is safe.” Kumislot ito at tumagilid paharap sa kaniya. “And no one cares when the dark replace the sunset,” anas nito saka nanilay ang pilyong ngisi sa mga labi. “Hm, may binabalak ka ba?” Humarap din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD