WALANG kamalay-malay si Malia na nasa paligid lang nila si Tyron. Sumama sa kanila roon sa Palawan si Tyron. Napapayag naman ni Andrew ang kaibigang multo na sasabihin na niya kay Malia na nakikita niya ito. Nakatulog si Malia sa tree house. Pinahiga ito niya ito sa papag na nilatagan niya ng kumot na dala rin ng dalaga. Bugbog ito sa trabaho ng ilang araw kaya sinulit ng katawan nito ang pahinga. Gigisingin na lang niya ito kapag palubog na ang araw dahil maliligo sila sa dagat. “Puwede mo nang makausap si Malia gamit ang katawan ko, Ty,” sabi niya sa kaibigan. Magkaharap silang nakaupo sa tapat ng bintana at nakatanaw sa dalampasigan. “Huwag natin siyang biglain. Mahirap para kay Malia na mag-sink in kaagat sa isip ang tungkol sa akin. Maaring maguguluhan pa siya. At least aware siya