KARARATING lang ni Malia sa bahay nila nang matanggap niya ang mensahe ni Andrew. Walang tanong-tanong, basta sinabi lang na pupuntahan siya nito roon at magdi-dinner sila. Bigla siyang kinabahan. Magkasunod lang sila ni Melanie na dumating. Nagmula ito sa school dahil nagpa-enroll. “Nagugutom na ako. Wala bang makain, Ate?” matamlay nitong wika nang makapasok ng kusina. “Kararating ko lang. Magluluto pa tayo,” aniya. Sa kusina na rin siya dumiretso at tiningnan ang stock nila sa refrigerator. Frozen pa lahat ng karne kaya gulay ang inilabas niya. Pagod na rin siya at wala nang lakas para magluto ng kumplikadong recipe. Nagluto ng instant noddles si Melanie pantawid-gutom. Wala rin kasi silang tirang lutong pagkain kahit kanin. “Bitin ang meryenda ko kanina at naubos ang lakas ko sa