AYAW nang umuwi ni Andrew dahil nalibang na siya sa pagtulong kay Malia sa pag-aayos ng mga halaman sa hardin ng bahay. Namamatay na ang ibang pananim kaya nagtanim sila ng bagong halaman mula sa sanga ng naghihingalong puno. Gusto lang naman niyang makasama si Malia at makausap pero hindi niya inaasahan na muli nitong palalayain ang relasyon nila. Mukhang nakatulong talaga ang pagkausap dito ni Tyron sa panaginip. Napagtanto malamang ni Malia kung ano ang mas mahalaga rito. “Andrew,” sambit ni Malia nang makalapit sa kaniya. Naglalagay siya ng lupa sa pot. “Hm?” He stared at her when she sat beside him, on the left. “Hindi ka ba nababahala na baka mawalan ka nang tuluyan ng projects sa AAC?” may hilig ng pag-aalalang sabi nito. He scoffed. “Honestly, I already thought about losing mo