NAGBIBIHIS na si Malia nang tumunog ang kaniyang cellphone. Dinampot niya ito mula sa bedside table at sinagot nang makitang tumatawag si Andrew. “Yes?” aniya. “Aalis ka na ba papuntang bahay nila Tyron?” tanong nito. “Uh, nagbibihis pa lang ako. Bakit?” “Can I go with you?” Sandali siyang natigilan. “A-Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kausap. “Yes! Kung okay lang na sasama ako, magbibihis na ako at susunduin kita riyan sa bahay ninyo.” Ginupo siya ng excitement. “Sure! I will wait for you!” aniya. “Okay. I have to go.” “Sige.” Naputol na ang linya. Nag-text pa ang mommy ni Tyron kay Malia upang tiyakin na pupunta siya. Sinabi na rin niya rito na may kasama siyang pupunta. Kilala rin ng parents ni Tyron si Andrew bilang isa sa kaibigan nito kaya natuwa ang ginan