HINDI pa rin maka-get over si Andrew sa nangyari. Wala siyang kamalay-malay na ginamit ni Tyron ang katawan niya upang magsulat sa sahig gamit ang icing. Kinausap din nito ang tatay nito sa pamamagitan ng kaniyang katawan at hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi. Nagulat na lang siya nang mahimasmasan na yakap niya si Malia. Walang imik si Malia nang lulan na sila ng kotse pauwi sa bahay ng mga ito. Nakatitig ito sa pulang panyo na may nakaipit na dahon. Mugto pa ang mga mata nito kakaiyak. “Are you okay?” tanong niya rito. Tumango ito. “Hindi lang ako makapaniwala na nagparamdam si Tyron. Sana man lang ay nakausap ko siya,” anito, nakangiti. “You mean, nagpakita si Tyron kanina?” usisa niya. Wala talaga siyang maalala sa nangyari matapos namatay ang ilaw. Basta nawalan siya ng ulir