WALA pa ring sagot si Malia sa mensahe ni Andrew. Lalo tuloy siyang nababalisa. Hindi pa rin siya kinikibo ng mommy niya pero nanatili siya sa tabi nito. Hinihintay pa nila ang resulta ng ibang test bago malaman kung puwede nang makalabas ng ospital ang kaniyang ina. Lunes ng umaga ay umuwi muna siya. Si Marga ang nagbantay sa mommy niya. Hinatid muna niya sa laundry shop ang kaniyang labahin. “Bakit nakipaghiwalay pa si Malia? Solve na ang isyu, ‘di ba?” ani ni Ania. Nakasakay sa kotse niya ang tatlong multo. “Oo nga naman. Ang bilis naman niyang sumuko,” gatong ni Janica. Nasa backseat ang mga ito. “Tama lang ang desisyon ni Malia,” sabad ni Tyron, nakaupo sa tabi ni Andrew. Pabalik na rin sila ng bahay. Kahit sabihin ni Tyron na okay lang ang naging pasya ni Malia, para sa kaniya