HINDI natapos ni Malia ang editing ng huling script dahil sa sobrang antok. Nakatulog na sa kama si Andrew matapos maubos ang tirang wine. Tumigil na siya sa ginagawa at humiga sa tabi ni Andrew. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at binasa ang mga pumasok na mensahe. Karamihan sa mensahe ay mula kay Melanie. Nagbigay ito ng update tungkol sa expenses sa school. Sa kaniya pinadala ng papa niya ang allowance ng mga kapatid niya sa school. Diretso na iyon sa bank account niya. Ang huling mensaheng binasa niya ay mula kay Aldrin. Nawindang siya nang biglang mag-sorry si Aldrin. Gusto nitong makipagkita sa kaniya. Hindi siya makapagdesisyon dahil busy pa ang schedule niya pero nasa plano na niya na kausapin si Aldrin. It’s her chance to help Aldrin for his atone. She wanted to see him with