NATAGPUAN ni Andrew si Malia sa ladies dressing room at kalalabas. Nagpalit ito ng damit. “May problema ba?” tanong nito sa kaniya. “Uh, nothing. I’m just tired,” aniya. “Hindi ko naisip na may mali sa linya mo kanina. Akala ko talagang pagalit kang umabala sa eksena namin ni Jerom,” amuse nitong sabi. Naiinis siya. Hindi ata aware si Malia na masyado nang daring ang galaw ni Jerom sa eksena. Binasa niya ang script sa part ni Jerom. Kisisng scene lang at walang haplos ang narooon. Pero given nang ina-allow ang unscripted scene as long as kaya ng actor na panindigan ang actions nito. Kahit siya naman ay hindi nasusunod minsan ang eksena at gumagalaw siya ayon sa kaya niyang idagdag sa senaryo. “Sorry for my attitude. I’m distracted with Jerom’s action.” “Ano ka ba? Hindi ka ba sanay s