HINDI maka-get over si Malia sa nakita nang makausap niya si Andrew sa video call. Nawalan siya ng malay dahil sa tindi ng takot pero nahimasmasan din siya makalipas ang ilang sandali. Mag-isa pa naman siya roon sa kuwarto at tulog na ang mga kapatid niya. Mabuti narinig niya ang tunog ng kaniyang cellphone kaya siya nagising. Iginiit niya na nagmalik-mata lamang siya na may babaeng maputla sa likuran ni Andrew, pero legit ang takot niya. Kung normal na tao iyon, hindi naman siya matatakot. Kaso iba ang mukha, tila patay na bumangon ang babae. Hindi niya nasagot ang tawag ni Andrew pero may mensahe ito. Nag-aalala ito sa kaniya kaya nag-reply siya kaagad. Mag-uumaga na kaya hindi na niya binalikan ang kaniyang trabaho. Kinabukasan ay ginising siya ni Melanie. Hindi pala niya nai-lock an