MAKALIPAS ang ilang minutong pag-iisip ay nakapagpasya rin si Malia na puntahan ang kuweba sa unahan ng batis kung saan at may isa pang maliit na falls. Pero dinala niya ang bag nilang lahat. Sa gilid ng batis lang siya dumaan dahil malakas ang agos ng tubig. Pagdating sa kuweb ay tahimik din, walang katao-tao. Mahina lang ang bagsak ng tubig sa falls doon at mababaw ang tubig. “Hello!” sigaw niya. Ibinaba niya sa malaking bato ang bitbit niyang mga bag. “Andrew!” Nag-e-echo lang ang tinig niya. Palubog na ang araw kaya nagsasalamin ang orange na sikat nito sa tubig. It’s a perfect view, and she missed those days were Tyron and her were there and watching the sun to fade. Tumingala siya sa itaas ng water falls kung saan may lumipat na mga balloon na may nakasabit na mga litra. Titig na