ANDREW can’t decide if he will meet Malia in Tyron’s house. Hindi pa nakabalik si Tyron simula nang umuwi ito upang pigilan ang parents nito. Mamaya ay sumulpot si Ania sa likuran ng kotse niya. Bumiyahe na siya paalis ng opisina. Sa reaksiyon ng mukha ni Ania, alam na niya. They failed! “It’s too late. Malia knows the truth,” batid ni Ania. Bumuga siya ng mabigat na hininga. As he expected, Malia will listen to Tyron’s parents. “Naniwala ba si Malia sa parents ni Tyron?” aniya. “I’m not sure if she will consider the fact. She seems still confuse. We tried to prevent Tyron’s parents to show the video but it happened. Nabura na ni Tyron ang video sa email ng mama niya, may isa pang kopya na nai-send sa papa niya at iyon ang pinakita kay Malia.” Hindi na niya malaman ang kaniyang gagawi