MABUTI na lang naigilid ni Andrew ang konte, kung hindi ay baka nahagip na sila ng bus na nakasalubong nila. Napawi ang kaniyang kaba at natagpuan ang sarili na yakap si Malia. Muntikan na silang madisgrasya. “You’re stupid, Ty. Papatayin mo pa kami ni Malia!” asik niya sa kaibigan na napakapit sa sandalan ng upuan niya. “Sorry. Hindi ko alam na sisilip ulit sa salamin si Malia at titingnana ko. Lalapit lang naman sana ako sa kaniya,” anito. “You scared her.” Hinagod niya ang likod ni Malia. Nanginginig pa rin ito. “It’s okay, babe. Tyron won’t harm you. Gusto ka lang naman niyang lapitan,” alo niya sa dalaga. Nakasubsob pa rin ang mukha ni Malia sa dibdib niya. “Talaga bang kinakausap mo siya?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Oo, and he’s listening now. Gusto mo ba siyang makausap