NAPANSIN ni Malia na uneasy si Andrew simula nang magkita sila sa tanghali. Sa restaurant na sila nag-lunch bago sisimulan ang pag-asekaso sa papeles na kailangan nila sa kasal. Una nilang inasekaso ay ang certificate of no marriage na importanteng requirements. Pina-rush iyon ni Andrew pero kailangan pa rin nilang balikan sa susunod na araw. Pagkuwan ay dumiretso sila sa opisina ni Andrew sa pabrika nito. Naroon na kasi ang wedding coordinator na nai-refer ng secretary nito. “We changed the venue,” sabi ni Andrew sa coordinator. Magkatabi sila nito sa couch at kaharap ang babaeng coordinator at secretary ni Andrew. “Saan po ang venue?” tanong ng babae. “Sa Bataan. If okay for you, I will add payment and we will provide your vehicles.” “No problem, sir. May sarili kaming sasakyan. An