SA bahay nila Andrew nag-dinner sila Malia. Pinaghanda pa sila ng mommy nito ng masasarap na pagkain. Gusto ring pag-usapan ng ginang ang tungkol sa kasal nila. Nasorpresa si Malia nang biglang dumating si Aldrin. May pasalubong pa itong maraming imported chocolate. Hindi rin alam ni Andrew na dumating ang kapatid nito kaya nagkagulatan sila. “Welcome home, bro!” bati ni Andrew sa kaptid. Nagyakap pa ang mga ito. “Kahapon pa ako dumating. May exclusive interview kasi ako sa radio at sport TV kaya hindi kaagad ako nakadiretso rito,” ani ni Aldrin. Humalik ito sa pisngi ng ina. Aliw na aliw si Malia na pagmasdan ang mag-anak na muling masaya. Daddy na lang ni Andrew ang kulang, buo na ulit ang pamilya nito. Pagkuwan ay siya naman ang nilapitan ni Aldrin. “Hi, Malia! Na-miss kita, ah,” a