NAPATAKBO papasok ng kuwarto ni Malia si Andrew nang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang bigla siya nitong sinugod ng mahigpit na yakap. Naroon ang multong lalaki at kausap ni Tyron. “Ang lalaking ito ay anak ng katiwala rito sa farm nila Malia. Kababata rin namin,” sabi ni Tyron. Nawindang siya. Kaya siguro nagparamdam ito kay Malia. Iyak nang iyak si Malia. “Ano’ng problema?” tanong niya rito. “Namatay na pala si Alfon, noong nakaraang buwan lang,” humihikbing sabi nito. “Hindi ba sinabi sa ‘yo ng papa mo?” Umiling ito. “Baka nakalimutan niyang sabihin. Nakita ko si Alfon. Ngayon ko lang nalaman na namatay siya dahil sa pagparamdam niya. Kaya tinawagan ko kaagad si Melanie at tinanong. Totoo nga,” kuwento nito. “Malapit ba sa ‘yo si Alfon?” “Kaibigan namin siya ni Tyron simula p