PAPASOK pa lang sila ng gate ay kumakabog na ang dibdib ni Malia. Renovated na ang bahay nila Andrew, mas malaki kaysa noong unang punta niya roon. Panay ang buntong-hininga niya lalo nang huminto na ang sasakyan. “Are you okay?” tanong ni Aldrin. Sinipat niya ito at matabang na ngumiti. “Medyo,” tugon niya. Kumislot siya nang hawakan nito ang kamay niya. “Don’t worry, and I’ll take care of you.” Ngumisi si Aldrin. She sighed, trying to ignore her nervous. Pagkuwan ay sabay na sila ni Aldrin na bumaba. Inilabas na nito ang paper bag kung saan nakalagay ang mga pagkain. Sumunod lang siya rito. Hindi siya nakahuma nang akbayan siya nito nang papasok na sila sa bahay. Lalong kumabog ang dibdib niya nang patungo na sila sa dining room. “Good evening, guys!” bati ni Aldrin. Nakapuwesto