SA loob ng tatlong araw na taping, hindi pa nakakausap ni Malia si Andrew sa labas ng trabaho. May mga eksena na silang dalawa pero in character ang conversation. Naintindihan niya na gusto ni Andrew na umiwas muna sa kaniya. Ganoon din naman ang gusto niya. Pagkatapos ng eksena nila ni Andrew ay nagtungo siya sa dining room. Naroon na si Jerom at hinihintay siya. Naalala niya, noong isang araw ay inusig siya ni Jerom tungkol sa kanila ni Andrew. Malakas ang pandamdam nito, magaling mag-observe sa feelings ng iba. Pero hindi siya umanim dito. Kumuha siya ng pagkain sa buffet table saka sinamahan si Jerom. Ang susunod na eksena niya sa movie ay kasama ulit si Jerom. “Are you alright?” tanong ni Jerom nang makaupo siya sa tapat nito. “Yap,” mabilis niyang tugon, malapad na ngumiti. “You