Kabanata 43 Natigilan ako, hindi nakaapuhap ng dapat isagot sa naging tanong na 'yon ni Christian. Unti-unti akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya, nakatungo at hindi siya magawang titigan ng diretso sa mga mata. Bumagsak ang mga kamay ko sa aking gilid, pigil ang hininga habang kagat ang ibaba ng labi. My insides turned jagged when he slid his hands from my back and freed me from his hold. Mula sa lebel ng mga mata ko ay kita ko ang malinaw na pagbakat ng mga ugat sa kanyang mga kamay. It's like he's trying to force his emotions to come out. "I'm sorry..." I whispered. Hindi siya sumagot. Sa halip ay isang mabigat na buntong hininga lang ang pinakawalan niya. Sa mga oras na 'to, pakiramdam ko ay masiyado kong natapakan ang p*********i niya. Higit sa lahat, siya ang nakakaaa