Kabanata 44 Sinikap ko ang magkaroon ng maayos na tulog sa kabila ng mga rebelasyon na nalaman ko ngunit palyado. Ang kaalamang matagal na akong mahal ni Christian ay sobra na. Habang ang katotohanang alam ni Mommy ang tungkol sa kuneksyon ni Dashiel at Daniel ay hindi na kayang tanggapin ng isip ko. Natatakot akong bigla siyang may mapagsabihan na ibang tao hanggang sa makarating na sa mga Monasterio ang katotohanan. But she promised me that she'll keep that secret and won't tell it to anyone. Tanging sila lang ni Daddy ang nakakaalam ng totoo. Maging si Christian ay walang ideya na may alam ni Mommy ang totoo. Kung tutuusin ay dapat akong magalit sa kanya dahil sa ginawa niyang panunubok sa akin. Pero naisip kong walang sino man ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sa akin ngayo