MAY’S POV "AYOKO NGA!" kanina pa kami nagrarambulan rito sa loob. Ako at si Amanda laban sa tigreng si Erl. Kanina pa namin siya pinupwersa na suotin ang two-piece suit na dala ni Amanda. "WEAR IT NA NGA!" biglang tumalon si Amanda at dinaganan si Erl. "Hawakan mo ang mga paa niya, May!" Utos nito kaya nagmadali akong hawakan ang paa ni Erl. "Ugh, leave me alone! Ayoko ngang suotin ang telang 'yan!" Nagpupumiglas ito kaya mas napahigpit ang hawak ko sa magkabilang paa ni Erl. "You will wear this!" Sigaw ni Amanda bago biglaang pinunit ang damit ni Erl. Grabe halimaw rin pala itong si Amanda! "AHH! ARGH, NAKAKAPAKYU KAYO!" sigaw ni Erl. Napapikit nalang ako while whispering Our Father. "O masamang espiritu, lubayan mo ang babaeng ito. Lisanin mo ang katawan ng brutal na babaeng ito,