ERL’S POV Nakatingin ako sa kisami ng tinulugan naming Nipa House. Wala akong iniisip, lumulutang lang sa kawalan ang imagination ko. Napabuga ako ng hangin. We spent the night doing nothing. Nakaka-disappoint dahil wala man lang kaming ginawa sa buong gabi nina May at Louie. After kasi naming makarating ay kaagad naming inayos ang mga higaan namin. Hindi ko nga alam kung bakit. Sobrang likot ng mga mata ni Louie na para bang may tinitingnan sa labas, pagkatapos ay hihinga nang malalim, lalabas, papasok at sasabihing matulog na lang raw muna kami, bukas nalang kami mag-eenjoy. Wala naman kaming magawa ni May kundi ang sumunod. Last night din, nakaramdam ako ng iba– ang init ng puso ko, parang sinusunog. At hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ito. Ang una ay noong sobrang lapit