VLAD'S POV Naiinis ako nang sobra-sobra! Una sa sarili ko at pangalawa sa Louie na 'yon. Ano ba ang meron siya na wala ako? Anong katangiang nakita ni Erl sa kaniya na wala ako? Damn! Wala na akong pakialam kung hindi ko man naubos ang pagkain at kung naiwan man si Erl sa loob, tss. Bahala siya, do'n siya sa Louie niya. Pwe! "Master!" Sinundan niya pala ako? Bakit? Dahil ba narealize niya na may puwang din ako sa puso niya? "Bakit mo ako sinundan?" Tanong ko habang nakangiti na, I'm expecting her to say the words I want to hear from her but she did not. "Siyempre sino ang sasakyan ko? Alangan namang maglakad ako pabalik diba?" Napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sagot niya. Dali-dali akong pumasok sa kotse at inistart ang makina. "Hoy hintay!" Nagmadaling pumasok si Erl sa kotse