ERL'S POV "Amanda at Alli, mamili na muna kayo ng mga groceries. Make sure na tatagalan ninyo ha!" Utos ni Master sa dalawa at mabilis na ibinigay ang isang bundle ng one thousand peso bill. Nag-korteng pera ang mga mata ko nang makita ko 'yun. "Yes kuya!" Mabilis na sagot ni Amanda bago makahulugang tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko, anong ibig sabihin no'n? "Ah, Master bakit kailangan naming tagalan?" Tanong ni Alli at isang malakas na batok ang natanggap niya kay Amanda. "Aray, Lady Amanda! Bakit ka ba nambabatok?" Reklamo nito habang himas-himas ang likurang bahagi ng ulo niya at masamang nakatingin kay Amanda. Mabilis na inilapit ni Lady Amanda ang kaniyang bibig sa tenga ni Alli at may ibinulong rito. No'ng una, nakakunot ang noo ni Alli pero bigla itong nawala at napal