2.

1076 Words
Chapter Two Kami ang dapat iinom ni Lily pero dahil sa dalawang ginang na kasama namin sa table ay naghinay-hinay kami. Tinawagan ko na lang din si dad dahil hindi ko naman maisasabay si mommy sa pag-uwi. Si Lily ay gano'n din ang ginawa. Tinawagan din niya ang ama para ipasundo si Atalanta. Todo bantay kami sa dalawa na nakakarami na ng inom. Pero habang alerto kami sa maingay na lugar na ito ay may isang spot sa bar na ito na bumabalik ang tingin ko. Pansin ko kasi ang panakanakang sulyap ng isang lalaki roon. Mag-isa ito at tahimik na umiinom. "Tignan mo iyong t**i, Nev," bulong ni Lily. Tinignan ko ito na may pagtataka sa expression ng mukha. "Anong t**i?" tanong ko. Kailangan bang pag-isipin muna ako ni Lily bago direktahin ang sinasabi? "Iyong lalaki sa madilim na parteng iyon," ang tinutukoy nito ay ang lalaking tinitignan ko ng pasimple kanina pa. t**i? Damn! Pwede naman niyang sabihing lalaki. So, kapag babae? Pepe? Pauso talaga itong si Lily. "Nakita ko na." "Ang t**i?" "Iyong lalaki, Lily!" may diing ani ko. Magkaiba ang personality namin ni Lily pero hindi ko alam kung bakit kami ang madalas na magkasama nito. "Ah, iyon ba. Tingin nang tingin sa 'yo kanina pa. Parang gustong kainin ang k**i mo," pasimpleng siniko ko si Lily. "Bibig mo," asik ko rito na ikinatawa naman nito. Napakabastos ng bibig. "Pogi. Si Thunder Sebastian Aiden iyan. Bantayan mo muna sila mommy. Tatanungin ko lang kung bakit siya narito. Sasabihin ko rin na type mo siya," hindi ko agad naproseso sa isip ang sinabi nito. Nakatayo na Ang babae at dali-daling umalis. "Lily!" tawag ko pero hindi na ako nito pinansin. Napahilot ako sa sintido ko. Sakto't dumating na rin si daddy at ang daddy ni Lily. "Iuuwi na namin," paalam ni dad. "Ingat po kayo... mommy, tama na iyan," pigil ko sa balak niyang pagkuha pa ng alak. "Shot puno pa---" pero umiling na ako. "Tama na. Iuuwi ka na ni daddy." Binuhat na nga ito ni dad. Si Atalanta ay gano'n din. Pumapalag pero dahil lasing na ay hindi na nahirapan pa ang asawa niya. Kausap pa rin ni Lily si Mr. Aiden. Kaya naman nagpasya akong lumabas na muna. Binitbit ko ang isang beer at doon na lang balak hintayin si Lily. Baka mamaya'y ibinubugaw na pala ako nito. Mas magandang makalayo na. Mahigit 20 minutes na ako sa parking lot nang lumabas ng bar si Lily. Nakasimangot ito. "Girl, hindi nagbayad sila mommy?" tanong nito sa akin. "Ang laki ng binayaran ko sa loob. Nabawasan ang yaman ko," natawa ako. For sure barya lang iyon. Pero napakakuripot ng babaeng ito. Kaya ibi-big deal niya ang gano'n halaga. "Sisingilin ko siya. Hindi tamang iinom tapos aalis na lang basta." Tumabi ito sa akin. "Sama ka sa condo? Doon na lang tayo uminom. May bilog ako roon tapos iyong regalong alak ni Tita Mace. Masarap iyon. Tiyak hindi uubra ang antok mo sa alak na iyon. Tulog ka kaagad panigurado," umiling ako rito. "Tama na sa akin ito, Lily. Pagkatapos ko rito'y ihahatid na kita sa condo mo at uuwi na ako." "Gusto mo pa akong makasama 'di ba? Nami-miss mo ako kapag wala ako sa tabi mo," sinamaan ko ito ng tingin. Ang kulit kasi talaga. "Girl, doon ka na sa condo matulog. Tapos sama ka sa akin bukas." "Saan na naman? Lily, alam ko ang ginagawa mo. Binabantayan mo ako. Sinabi ko namang hindi ko kailangan iyan," giit ko rito. "Wow! Special ka para bantayan? Kilala mo ako. Hindi ako nagtratrabaho ng libre. Kung binabantayan kita... sinong magbabayad ng talent fee ko? Alam mong sobrang mahal ng talent fee ko." "Tsk," initsa ko ang lata ng beer sa basurahan. "Tara na. Ihahatid na kita at uuwi na rin ako." "Malungkot sa condo mo---" "At sa condo mo masaya? Huwag makulit, Lily. May trabaho pa ako bukas. Tara na." Sumakay na ako sa motor ko at isinuot ang helmet ko. Nang lumulan si Lily ay agad itong yumakap sa bewang ko. Balak ko na sanang patakbuhin ang motor pero saktong labas naman ni Thunder Aiden sa exit ng bar. Gumagala ang tingin nito. Huminto lang no'ng napatingin na ito sa amin. Kumaway si Lily rito. "Wait, Nev!" ani ni Lily. Lumakad si Thunder palapit sa pwesto namin sa parking lot. "Lily, iyong napag-usapan natin," seryosong ani ni Thunder. Naglahad pa ito ng palad na agad tinanggap ni Lily. "Deal!" nakikita ko sa side mirror ang ngisi ng kaibigan ko. "Thunder, si Nevara nga pala. Single ito. Baka type mo---" hindi ko na hinayaan pang matapos ni Lily ang sinasabi niya. Kahit pa nakatayo si Thunder sa gilid ay pinatakbo ko na ang motor. Bastos? I don't care. Tapos itong si Lily ay tawang-tawa lang sa likod ko. "Para kang allergic sa lalaki, Nairobi Vashni Rafa!" mas pinatulin ko pa ang takbo ng motor dahil sa pagbanggit nito sa buong pangalan ko. "Magtigil ka, Lily." "Tsk. Feeling ko bagay kayo ni Thunder. Try mo kaya? Tikman mo lang kung hindi ka masarapan ay iba na lang," bigla-bigla na lang ako nitong ibinubugaw. Wala talagang magandang dulot ang babaeng ito sa akin. Mabilis kaming nakarating sa condo nito. "Wow! Sakto 'no? Iyong condominium building na ito ay pag-aari ng isang Aiden. Daddy ni Thunder. Tadhana nga naman." "Baba," cold na ani ko sa babae. Mas matanda ako rito. Pero kung tratuhin namin ang isa't ay parang magkaedad lang. Ang tulis ng nguso nito pagbaba ng motor. "Ayaw mo talagang uminom?" "Uuwi na ako, Lily. Bye." Sabay muling pinatakbo ang motor ng matulin. Hindi ko na binigyan pa ng chance na kulitin ako. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi ako nauubusan ng pasensya sa kanya. Mas mabuti nang tumakas sa kulit niya. Pagbalik ko sa condo ko ay naramdaman ko agad ang malungkot na atmosphere ng lugar na ito. Sobrang tahimik ng paligid. Kailangan ko na yatang kulitin sina Atalanta at Lady A na bigyan ako nang mabigat na misyon. Simpleng mga misyon lang kasi ang pinapatrabaho nila sa akin. Nabo-bored na ako. Mukhang iyon din ang dahilan kung bakit hindi payapa ang utak ko. Nag-shower ako baka sakaling kapag humiga akong preskong-presko ay maging payapa ang pagtulog ko. Ngunit bigla pa rin kaya kahit ayaw kong umiinom ng sleeping pills ay pinatos ko na. Gusto ko lang magpahinga at kung iyon lang ang makatutulong sa akin ay papatusin ko na lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD