Chapter One
Maalinsangan ang gabi. Isa na naman ito sa mga gabing hindi ako makatulog. Malamig ang silid pero tagaktak ang pawis ko. Bumangon ako't dinampot ang kaha ng sigarilyo at lighter sa bedside table. Lumakad ako patungo sa balcony at doon nagsindi ng isang stick. Agad akong humithit saka kumapit sa railings.
Ito ang paraan ko para kalmahin ang sarili. Nafru-frustrate dahil hindi makatulog kahit pa pagod na pagod sa trabaho. Nang nag-ring ang phone ko ay ipinatong ko sa ashtray ang sigarilyo saka bumalik sa silid at kinuha ang phone. Pagkakuha ay binalikan ko rin ang sigarilyo at naupo sa couch na naroon sa balcony.
"Lily," sagot ko sa tawag ng matalik kong kaibigan.
"Miss me?" ani ng babae kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Miss you?" takang ani ko.
"I know, right!" napahagikhik pa ang babae.
"Siraulo. Bakit naman kita nami-miss? Magkasama lang tayo kanina, Lily. Anong kailangan mo?" nakasimangot na tanong ko sa kaibigan. Late na pero gising pa rin ito.
"I think ikaw ang may kailangan sa akin kaya naman tumawag ako sa 'yo," napairap ako sa sinabi nito.
"Hindi kita kailangan, Lily," tugon ko sa babae. Napahagikhik naman ito.
"Impossible, Nev! Ang isang tulad ko... kailangan ninyo akong lahat. Sa ganda kong ito ay hindi kayo mabubuhay na wala ako."
"Tsk. Ano ba kasing kailangan mo, Lily?" ang kulit talaga kasi ng babaeng ito. "Baka ikaw talaga ang nakaka-miss sa akin, girl?" napangisi ng tanong ko rito. Umarte namang nasusuka ang babae.
"Kadiri."
"Ano ngang kailangan mo?" tanong ko rito.
"Samahan mo naman ako, Nev. Boring kung mag-isa lang sa trabaho.
"Nasaan ka?" basta trabaho ang usapan ay hindi ako humihindi kay Lily. Dinutdot ko na sa ashtray ang upos ng sigarilyo bago pumasok ng kwarto.
"I'll send you the address. Bye." Hindi man lang ako in-briefing ni Lily kung anong klaseng trabaho ang gagawin namin ngayon. Nagbihis lang ako at tiniyak na may baril na dala, facemask, at sumbrelo. Saka lumabas ng condo at motor na lang ang ginamit ko.
Tinunton ko ang address na binigay nito. Nasa isang condo unit si Lily.
Pagdating ko roon ay inabutan kong nakaharap ito sa bintana. Lumapit ako rito. Agad na dinampot ang extra binocular at tinignan din ang tinitignan nito.
"Ay, putangina!" gulat na bulalas ko. Hindi ko inakala na gano'n ang makikita ko. Natawa si Lily saka tinignan ako. "Manyakis ka ba, Lily?" tanong ko rito.
"Hindi 'no. Iyan ang trabaho ko ngayon. Kailangan kong bantayan iyang matandang lalaki." Ang matandang lalaki na iyon ay may kasamang gwapong lalaki. Kung maskulado ang mas batang lalaki, mas maskulado ang matandang lalaki na umaangkin dito sa couch.
"Sino sila?" curious na tanong ko rito.
"Mga high profile... iyang mas batang lalaki na iyan ay boyfriend ng anak ng matandang lalaki. Kaso nalaman ni pogi na niloloko siya ng girlfriend niya. Sobrang nasaktan si pogi kaya naman gumanti. Ayan. Tatay ngayon ang tinira... ay mali. Sa tatay siya nagpatira." Hindi ko kinakaya ang kwento ni Lily. Tinitigan ko ito dahil parang ang hirap paniwalaan ng kwento nito.
"I'm not joking, girl. Binabantayan ko dahil nakiusap ang isang kaibigan na protektahan ko raw sila."
"At kailangan panoorin silang ganyan?" parang nananakit ang batok ko sa kaibigan.
"Nagkataon lang. Baka may sumalisi at barilin sila." Kaya pala may naka-set-up na sniper rifle sa tapat ng bintana.
"Baliw iyong girlfriend... gusto magloko pero ayaw maloko. Pinapasundan n'ya so pogi to make sure na hindi siya mahuhuli. If ever, shoot to kill ang order niya. Kaya naman kailangan protektahan ang dalawa. Malaki ang bayad." Sobrang yaman ng pamilya ni Lily pero hindi ko alam kung bakit sobrang lala ng pagiging mukhang pera nito.
"Seryoso ba talaga?"
"Na malaki ang bayad o dahil sa chika about them?" napalabi ako. Ayaw ko namang magtunog tsismosa pero iyon talaga ang gusto kong kumpirmahin.
"Totoo bang jowa no'ng lalaki iyong anak?" tumango ito't ngumisi.
"Ano kayang mararamdaman ni girl kapag malaman niyang hindi nanay niya kung 'di tatay niya ang ginamit for revenge?" natawa pa ito.
"Siraulo rin," anong klaseng utak naman ang mayroon ang lalaking iyon? Bakit kailangan iyong tatay pa ang gamitin for revenge?
"Malabo na ring huminto ang mga iyan. Love na nila ang isa't isa. Hindi na lang basta revenge."
Nagtagal sa condo ang dalawa. Nang nagpasyang umalis ay mas naunang umalis ang matandang lalaki. Hindi naman sobrang tanda. Parang nasa 50's. Hot papa ang dating. Tapos iyong lalaking mas bata ay mukhang nasa 30's.
Nagmasid kami sa paligid. Handang bumaril si Lily in case na may kikilos ng masama sa paligid niya.
Nang nakaalis na ang mga binabantayan saka lang ito nagligpit.
"Iyon lang?" disappointed na tanong ko. Pinapunta niya ako rito para lang sa gano'n?
"Sorry kung walang bakbakan... I mean may bakbakan pero hindi katulad sa inaasahan mo." Napairap ako't sumunod na rito. Kung titignan kaming pareho ay hindi kami mapagkakamalang assassin. Normal na normal ang ayos.
"Tsk. Nakapwesto na ako para matulog, Lily." Himutok ko rito.
"Really? I doubt kung nakatulog ka na. For sure hindi pa. Gusto mo ba ng lalaki para mapagod ka sa gabi? May mga pwede akong i-offer sa 'yo."
"Para kang bugaw. Siraulo ka." Nakasimangot na ani ko. Napahagikhik naman ito. Pagdating sa parking lot ay inayos muna nito ang dalang bag.
"Inom tayo?" tanong nito sa akin.
"Magpaalam ka muna sa mommy mo, Lily. Baka malagot na naman tayo."
"Girl, hindi nga ako nagpapakita kay mommy tapos magpapaalam ako? Eh 'di mas lalo akong lagot doon," alam ko kung bakit. Galit na galit si Atalanta dahil nakialam si Lily sa misyong hindi kanya. Iyon naman kasing mga kasamahan namin ay tuwang-tuwa lang din sa kalokohan ni Lily kaya game na game lang din. Successful man ang mga mission pero hindi pa rin maikakaila na stress na stress ang leader ng kulto. Mapalola at mommy. Pati nga sina mommy ay stress din sa babaeng ito. Iyong mga unang member ng kulto ay hindi ligtas sa stress na dala ni Lily... hindi lang pala si Lily. Maraming girls na sakit ng ulo. Hindi man pumapalpak sa misyon, sa pagiging matinong tao ay roon sila bumagsak.
Naghanap kami ng bar na pwedeng pwestuhan. Iinom ako baka sakaling makatulog. "Mahirap pa rin bang matulog, Nev?" tinignan ko ang babae saka marahang tumango.
"Double time na nga ako sa trabaho ko para mapagod ako. Pero hirap na hirap ako. Suma-sideline na nga ako kay Quiran. Puro paperworks na nga ang ginagawa ko roon."
"s*x talaga ang kailangan mo. Pabembang ka ng kahit limang rounds ewan ko na lang. Tiyak mahimbing ang tulog mo n'yan."
"Siraulo ka talaga. Kanino ka ba nagmana?" ani ko rito.
"Kay mommy," balewalang sagot nito. Sakto't may umupo sa couch kung nasaan kami ni Lily... si mommy at ang mommy ni Lily.
"Girls, iinom pala kayo hindi n'yo kami niyaya," ani ni Mommy Garette na kumindat pa sa akin.
Si Lady A ang bumuo ng organization na walang pangalan. Isa si mommy sa unang naging meyembro. Ang mommy naman ni Lily ay anak ni Lady A, si Atalanta. Ito ang next line sa pwesto. Pinagmasdan ko si Atalanta. Parang Lily rin ito. Sakit sa ulo. Walang ibang pinagmanahan... dito lang sa ginang.