ARYANIAH'S POV Habang naaaliw ako sa pakikipag-laro sa anak ni Seren. Naisip ko kung hindi siguro ako dumating sa buhay ni Ryzo. Malabang sila pa rin ni Seren ngayon at wala ang napaka-cute na batang ito sa harap ko. "Aliw na aliw ka yata diyan kay Ck gusto mo ba gumawa na tayo ng ganiyan." nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya saka siya hinampas. "Baliw ka ba? Hindi nga boto sa'kin ang Daddy mo tapos ngayon nag-iisip ka pa gumawa ng isa pang kasalanan. Magtigil ka nga." "Aba Nerdy kailan naging kasalanan ang magka-anak. Palibhasa hindi mo kasi ako mahal. Kaya ayaw mo magka-baby na kamukha ko." Kahit saan talaga ilagay ang isang 'to wala sa tyming magbiro. "Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko. Pero tingin mo ba ganoon kadali. Lalo na ngayon galit sa'tin ang Daddy mo. At isa pa hind