3 YEARS LATER SERENITY'S POV "CK, anak huwag ka sabi tumakbo. Madadapa ka!" sigaw ko sa anak ko habang hinahabol niya nag bola niya. Hirap na hirap akong tumayo para lapitan ang anak ko. Sobrang laki na ng tiyan ko. Seven months na akong buntis sa pangalawang anak namin ni Quevin. "Hey buddy, how's your day?" nakita ko si Ryzo na kababa lang sa kotse niya. "Tito Aliennn.." sigaw ni Ck sa kaniya sabay yakap. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa. Close na close talaga sila. Oo nga pala. Nakabalik na kami sa mansiyon mula ng umalis at lumipat papuntang Italy si Niah. Hindi pa rin maayos ang relasyon ni Daddy at Ryzo. Kaya pinili niyang huwag na dito tumira. Bumibista lang siya tuwing sabado o linggo para makipaglaro sa pamangkin niya. Marami na ang nagbago ang mahala nanatili pa rin buo