BUO ANG TIWALA ni Thoie sa nobyo, batid niyang poprotektahan siya nito sa lahat ng taong nagbabalak siyang saktan. Sinigirado nitong walang nakasunod sa kanila nang tuluyang makabalik sa silid na kanilang inuokyupahan sa isang hotel. Nang makabalik ay wala pa ring imik ang lalaki, nagkulong ito maghapon sa loob ng silid. Hinayaan niya na lamang ito dahil tulad niya noong mawala ang kaniyang mga magulang ay mas nais niyang mag-isa at iiyak nang iiyak ang sakit na kaniyang nararamdaman. Masakit sa kaniyang makita na nahihirapan ito ngunit wala siyang ibang alam na paraan upang pagaanin ang loob nito, but only to give him time, space, to cried the pain. Kung ano-ano na lamang ang ginawa niya sa maliit na sala habang hinihintay na lumabas ito. Tumawag siya sa isang delivery hotline upang um-or

