NANG UMAGANG iyon ay tinungo ni Thoie at Ken ang hospital na pinagdalhan kay Don Inigo. Si Elijah at ilang kasamahan nito ang kanilang naabutan sa labas ng pintuan ng silid ng ginoo. Pinayagan si Thoie na makapasok, dahil ayon kay Elijah ay malala ang kondisyon ng Don. They avoiding the room to get crowded, kaya naman isa-isa lamang ang pinayagang makapasok sa loob. Mabigat ang mga hakbang na ginawa ni Thoie nang makapasok sa loob. Naabutan niyang nahihimbing pa rin ang kaniyang lolo habang diretsong nakahiga sa puting kama. “Lolo,” tawag niya rito at nanatiling nakatayo sa tapat ng kama nito. “It’s been three weeks since I last saw you, but it seems like a hundred years now.” Hinawakan niya ang palad nito at nabigla siya sa malamig nitong balat, siguro ay dahil na rin sa malamig na sili

