THEY STARTED to arrange their stuffs back to their closets. Lumabas si Thoie ng kaniyang silid, hindi niya na inabala pa ang nobyo sa silid nito. Nang maglakad siya sa hallway ay naabutan niya si Ysabel na kinakausap si Amanda. Ito ang ina ni Cailey, na siyang anak sa labas ng kaniyang ama. Nang makalapit siya sa dalawa ay narinig niyang pinagagalitan ni Amanda si Ysabel, na siyang mayordoma ng mansion. “Hindi mo ba ako naiintindihan, Ysabel!? Amo na rin ako rito! May karapatan ang anak kp rito!” mataas ang boses ni Amanda at nanlilisik ang mata sa mayordoma. “Anong ginagawa mo?” Lumapit pa siya sa mga ito. Pinag-ekis niya ang kaniyang braso sa dibdib at taas noong humarap sa masungit na si Amanda. “At sino ang nagsabi sa ‘yong may karapatan ka sa bahay?” Tumingin siya sa tahimik na s

