HINDI MAGPAPATALO si Amanda sa kamalditahan ng apo ni Inigo na si Thoie. Batid niya kung ano ang nararapat para sa kaniyang anak na si Cailey. Matagal siyang nanahimik sa pag-aakalang magiging maayos ang buhay ng anak kahit na mag-isa lamang niya itong buhayin. Natakot din siyang batikusin ng maraming taong humahanga at sumusuporta sa mga Damien, ngunit nang lumabas ang nag-iisang apo ng Damien at ipakilala ito sa buong mundo ay ikinagalit niya iyon. Kasabay nito ay napuot siya sa dalaga. Nang makita niyang masaya ito at nabihisan nang karangyaa na dapat ay nararanasan din ng kaniyang anak na si Cailey. Si Cailey ay lumaki sa hirap, nakapasok ito sa mataas na eskwelahan dahil sa katalinuhang taglay subalit nakaranas pa rin silang mag-ina nang matinding hirap sa buhay. Aminin man niya sa

