“MAIKSI LANG ang buhay. Pilitin mong mabuhay nang walang inggit, takot at pagyamanin mo ang pagmamahal sa ‘yong dibdib.” Namulat si Ken sa matatalinhagang salita sa kaniya ng kaniyang Nanang noon. At dadalhin niya iyon habambuhay. Isang buwan ang makalipas, nahuli si Ysabel sa isang airport nang magtangka itong tumakas. Lulong sa droga ang ginang at wala sa sariling katinuan. Natagpuan sa dala nitong bagahe ang ilan sa nga alahas na tinakas nito mula sa mansion, subalit hindi lahat ay nakuha dahil naibenta na ito ng ginang. Ginamit nito ang perang napagbentahan upang maitago ang sarili, subalit sa huli ay nalinlang ito ng sariling kagustuhang tumakas at nawala sa sarili. Nang makatanggap ng tawag si Ken ay kaagad niya itong sinabi sa nobya. Ngayon ay magkasama silang nananatili sa mansio

