“BLACK COFFEE OUT,” wika ni Jerico na siyang tao muli sa kusina. Inilabas nito sa hugis kahon na butas sa dulo ng counter ang kapeng ginawa. Kinuha naman ito ni Ken matapos ay inilagay sa tray. “Good morning, Ma’am.” Iniabot ni Ken ang kape sa isang customer na siyang um-order nito. Ngumiti naman ang may edad nang babae at kinuha ang order, matapos ay naupo ito kung saan. Walang katao-tao sa umaga kaya naman bakante ang lahat ng lamesa at upuan. Kinuha ni Ken ang kaniyang baunan ng tubig na inilagay sa ilalim ng kaha, tumalikod siya upang uminom ng tubig. “Hi, Ken.” Naduwal niya ang laman ng bibig nang marinig ang boses ng dalaga na tinawag pa ang kaniyang pangalan. Hindi na bago sa kaniyang pandinig ang magandang boses nito, tila musika ang kaniyang pangalan sa tuwing binabanggit ng

