MATAPOS nilang manggaling sa hospital ay dumiretso si Ken at Thoie sa istasyon ng mga pulis upang i-report ang mga nangyari. Ayon sa mga awtoridad ay marami at mabibigat na kaso ang maari nilang isampang kaso kay Ysabel. Kaagad ding ipinaasikaso ni Thoie sa abogado nito ang lahat ng dapat asikasuhin para sa pag-usad ng kaso sa oras na mahuli si Ysabel. Sinisigurado ng babae na mabubulok sa kulungan ginang at pagbabayaran nito ang mga kasalanan. Dumiretso si Thoie sa kulungan kung saan nakadetensyon ang lolo nito. Si Inigo. Hindi naman na nakipagtalo pa si Ken. Hindi niya maaring pigilan ang nobya kahit mabigat sa kaniyang dibdib ang paglapit nito sa kriminal na kamag-anak. Nagpaiwan siya sa labas at naupo sa isang baitang ng hagdanan papasok sa b****a ng gusali. Napahilamos siya ng palad s

