NAABUTAN nila na may malay na si Karen, ngunit mahina pa rin ang pangangatawan nito dahil sa natamong sugat sa balikat. Ang nasugatang parte ay may makapal na benda at ang braso sa gawi nito ay nilagyan ng isang arm support upang maiwasan ang pagkilos nito na siyang makaapekto sa malalim na sugat. Tinulungan ni Ken na maupo ang ginang datapwat pinagsabihan nila itong mahiga na lamang, ngunit nagpumilit ito. “Hija, kay tagal kitang hindi nakita.” Mapait itong ngumiti nang makita si Thoie. Gumanti naman ng ngiti ang dalaga at lumapit. “Kamusta na ho kayo?” “Masamang damo rin ako katulad ni Ysabel kaya malabong mamatay ako kaagad. Siyan ga pala, ngayong narito na rin kayo marami akong nais sabihin ngunit hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa, kung sa paanong paraan ako hihingi ng tawad pa

