ANG DOKUMENTONG bumungad kay Ken sa loob ng envelope na siyang binigay ni Elijah ay isang Share Transfer Form, kung saan nakasaad ang paglilipat ni Don Inigo ng kalahating porsyento ng kumpanya ng mga Damien sa kaniyang pangalan at ngayon ay kailangan niyang pirmahan. Hindi niya inasahan ang bagay na ito, gaya ng ginawang pag-amin ni Inigo Damien tungkol sa nagawa nitong kasalanan, ilang dekada na ang nakararaan. Malalim siyang naghugot ng hininga at ibinalik ang dokumento sa loob ng envelope. Wala rito ang kaniyang isip sa ngayon bagkus ay sa nobyang hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng emergency room. Wala siyang kaalam-alam sa nangyaring aksidente rito. Napapaisip din siya sa dahilan kung bakit ito nasa byahe at maraming bagay pa ang gumugulo sa kaniyang isip ngayon. May ilang katanun

