SI CAILEY ang unang nakasalubong ni Ken sa labas ng mansion. Sakay ito ng isang itim na sasakyang pagmamay-ari ng kumpanya ni Don Inigo at papasok pa lamang din sa bukas na gate. Nang makita siya nito ay bumaba ito sa sasakyan. Pinagmasdan siya nito. “Kuya, Ken,” wika nito at tumingin sa kaniyang likuran, habang nakasampa pa rin siya sa kaniyang motorsiklo. Hindi niya akalaing tatawagin siya nitong ‘kuya’ pagkatapos ng mga nangyari sa mansion. “Nasaan si Thoie?” Sumimangot ang mukha nito nang banggitin ang pangalan ni Thoie. Ngunit dahil sa naging tanong nito ay kumunot ang kaniyang noo at bigla ay nagbigay sa kaniya ng matinding kaba sa dibdib. “Hindi mo ba siya kasama?” Isinabit niya ang hawak na helmet sa kaniyang braso at humarap dito nang nagtataka. “Bakit? Hindi ba siya umuwi rito

