Episode 65

1039 Words

PINIGILAN ni Thoie ang mga luhang muling bumagsak hanggang sa makabalik siya sa mansion. Laking pasasalamat niya nang hindi maabutan kung saang parte ng bahay ang mag-inang Amanda at Cailey, dahil tiyak na dadagdag pa ito sa bigat na kaniyang nararamdaman. Nang marating niya ang kaniyang silid ay saka niya malayang pinaagos ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo habang siya ay nagmamaneho pauwi. Hindi niya alam kung sa paanong paraan ay nagawa niyang makabalik ng mansion habang bitbit ang bigat sa kaniyang dibdib na sanhi ng masasakit na salitang sinabi ni Ken sa kaniya. Wala rin siyang tiyak na dahilang maisip kung saan nanggagaling ang hinanakit ng nobyo upang masabi ang mga ganoong salita. Nais niyang makausap ang kaniyang lolo, ngunit hindi ngayon. Biglaang sumama ang kaniyang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD