ITO ANG UNANG pagkakataon na hinayaan ni Thoie ang mga tauhan ng kaniyang lolo na bigyan siya nang mahigpit na pagbabantay. Noon ay iritableng-iritable siya sa ginagawa ng mga ito dahil sa utos ni Don Inigo, ngunit iba na sa pagkakatong ito. Takot na takot siya. Tiyak naman na siya ang puntirya ng killer, at nagkataon lamang na nakita ni Ken at dali-daling pinagpalit ang kanilang posisyon. Ito ang tinamaan ng bala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Kung saan niya itatago ang sarili upang maging ligtas hanggang sa maging maayos ang kalagayan ng nobyo. “I’m so scared...” Pinagsalikop niya ang palad at taimtim na nanalangin para sa kaligtasan nito. Kaagad na isinailalim sa operasyon ang walang malay na si Ken upang alisin ang bala ng baril na tumama sa likuran nito. “He’ll

