HINDI HUMANTONG sa pag-alis sa trabaho si Ken dahil na rin sa kagustuhan ng kaniyang nobya na si Thoie. Isa pa ay may punto ito. Si Don Inigo ang kailangan niyang kausapin kung talagang nais niyang umalis at magretiro bilang personal bodyguard ng dalaga dahil ito ang taong kumuha sa kaniya at siyang nagpapasahod. Ganoon pa man ay nais niya nang ihinto ang pagtanggap ng pera mula sa mga Damien. Naisin man niyang umalis na sa bahay upang linisin ang kaniyang pangalan at ng nobya mula sa mga mata ng mapanghusgang tao na siyang nakakikilala sa mga Damien. Napapaisip siya sa tuwing mababasa niya ang mga kumento sa larawan nila ni Thoie na ngayon ay kalat na kalat na sa social media. Some are telling how hypocrite he was for having a relationship with the granddaughter of the billionaire, Inig

