“MALAKAS DIN ang kutob ko na may kinalaman noon pa si Amanda at Cailey rito.” Sumimangot si Thoie at malalim na bumuntong hininga. Tumango na lamang si Ken. “I see, hindi ko na rin maiwasang hindi ‘yan isipin dahil sa ginawa niya kahapon. She made a big issue to ruin your name.” Itiniklop niyang muli ang papel na binigay ni Thoie at ibinulsa. “Let’s take a shower, kailangan pa nating bisitahin si Don Inigo.” He winked at her and gave her a kiss on her forehead. “Okay.” Kaagad na itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama. Tila hindi pa niya nais bitawan ang kamay nito nang papalabas na sa kaniyang silid, ngunit ikinatawa lamang iyon ng babae bago umalis. Nang maisara niya ang pinto ay bumalik sa kaniyang isip ang tungkol sa sinabi ni Elijah. Nagtataka pa rin siya sa kung ano ang

