NAGING MAAYOS ang kalagayan ni Ken. Nasagip ng mga doctor ang buhay ng nito at napalagay ang loob ni Thoie. Nasa gilid siya ng kama nito at pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. “Parang kahapon lang ako ang binabantayan mo sa hospital, ngayon naman ako na.” Malalim siyang naghugot ng hininga. Alas nuebe na nang gabi. Apat na oras ding nagtagal ang operasyon sa pagtatanggal ng bala sa likuran nito. Samantala, nanatili sa labas ng silid ng nobyo ang kaniyang mga bodyguard at ang ilan ay nagbabantay sa labas upang masigurong walang mananakit sa kaniya mula sa bintana ng hospital. “Sa oras na gumising ka, Ken. Paano kita haharapin? Kailangan ko bang magpanggap na hindi ko alam ang lahat at hayaan kang mahalin ako at ang magiging anak natin? Pero paano ‘yang puso mo na nasugatan gawa ng ak

