WALA NANG ibang mahihiling pa si Thoie. Kahit ano pa man ang kasalukuyan nilang kalagayan ay hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Ken. Ang mga pagsubok na dumaan ang siyang nakapagpatibay sa kanilang pagmamahalan. Walang magbabago kahit ano pa man ang mangyari. Mahigit apat na oras din silang nakatulog nang magkatabi. Bumangon na lamang sila para sa hapunan na ipinabili lamang sa isang restaurant. Hindi na nila naisipan pang magluto sa loob. Matapos ang pagkain ay nagpagkasunduan ni Ken, Thoie, Cailey, Amanda at Elijah na mag-usap sa isang malawak na salas ng bahay na kanilang tinutuluyan. Hindi nila pinag-usapan ang kung ano man sa harap ng hapagkainan gaya na rin ng kagustuhan ni Ken, upang igalang ang makakain. “I thought wala ka na, Kuya Ken.” Nakayuko si Cailey habang magk

