PUNO PA RIN ng takot ang mga mata ni Cailey. Minabuti nilang pagpahingahin muna ito. Dahil sa takot nito ay tumanggi tumistigo laban kay Ysabel. Dahil sino ba naman ang hindi? Masiyado itong matalino upang itago ang tunay na katauhan sa kanilang lahat. Halos hindi nila namalayang pinaglalaruan na pala sila ng babaeng ito. Ang tanging bagay na naiisip ni Ken ngayon ay hanapan ng matinding ebidensiya si Ysabel at tuluyang maipakulong. Ngunit saan at paano niya mapatutunayan iyon sa mga pulis? Maari niyang itanggi ang salita ni Cailey sa korte. Maari ring lalong mapahamak si Cailey kung magpapakita ito kay Ysabel. Ngayon ay ipinag-iisipan niya kung paano ito ipakukulong. Nagpresinta si Elijah na bumalik sa mansion upang mabantayan ang mga kilos ng naturang mayordoma at ang mga tauhan ni Do

